Alex Gonzaga, Sinabing Nagbago Na! Church Person na Siya!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Sa naging usapan ng magkapatid na Gonzaga noong 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Araneta Coliseum, ipinahayag ni Alex na nagbago na siya dahil sa intrigang hinaharap matapos magtrending ang pamamahid niya ng cake.

Matapos ang ginawang dance number ni Alex, nagbiruan sila ng kapatid at muling napag-usapan ang kanyang cake issue.

"Nakita mo, birthday ko. Wala, nilayo namin lahat ng cake sa'yo," pabirong pahayag ni Toni kay Alex.

"'Yan po ang pinakapinag-iiwasan ko ngayon mga cake. So magbigay ka na sa'kin ng panis na pagkain... Talagang lumalayo na ako diyan," sagot naman ni Alex.

Kaya naman sa susunod umano niyang birthday ay wala nang cake. 

"Ice cream, bilo-bilo... Nagbago na ako tih. I'm a church person," pahayag naman ni Alex.

@reagandako_dvaaah CAKE BARDAGULAN 🤣 #iamtoni #lifestylevlogniReaganda #BuraotQueensiAklaaaaa #buraotqueenisborn #buraot #siAklaaaaa #ReaGandatheBuraotQueen #buraotkween ♬ original sound - Buraot Kween 👑

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo