Alex Gonzaga, Tutuparin Ang Kahit Anong Kahilingan ng Kanyang Mga Fans!

Martes, Enero 24, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ni Alex Gonzaga sa kanyang latest vlog, na tutuparin niya ang kahilingan ng ilang maswerteng fans niya.

Sa huling bahagi ng latest vlog ni Alex na "Napaka-Bonggang House raid w/ Tita Small by Alex Gonzaga," inanunsyo ni Alex ang umano'y pagtupad niya ng hiling ng kanyang mga fans.

Tila magkakaroon ng bagong programa si Alex Gonzaga na 'Alex Baka Naman' at doon isasakatuparan ni Alex ang ilang kahilingan ng kanyang mga fans. Ito'y bilang pasasalamat ni Alex sa suportang natanggap niya sa loob ng limang taon. Sa ngayon ay nasa 13 millions na ang subcribers ni Alex Gonzaga sa kanyang YT channel.

"Lahat ng inyong wish, mapa-cellphone man ito, mapa-picture lang with me, meet and greet sa favorite niyong artista kahit hindi ako -- kaibigan ko or kumain lang sa restaurant na gusto niyo... Kahit ano pa pong request or wish ninyo!"

Sa katunayan ay marami na umanong nagpapadala ng request kay Alex kaya naman tila ito na umano ang tamang pagkakataon na tuparin niya ang ilan sa mga kahilingang ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo