Aljur Abrenica Nagreact Sa Bagong Boyfriend Ni Kylie Padilla?

Lunes, Enero 2, 2023

/ by Lovely


Curious ngayon ang ilang mga marites online kung ano ang naging reaksyon ng estranged husband ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica sa pagpapakilala ni Kylie sa kanyang bagong boyfriend.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagbakasyon si Kylie sa Thailand. Base sa kanyang ibinahaging update sa kanyang social media account, hindi siya nag-iisa sa panahong ito. Kasama ni Kylie sa kanyang bakasyon ang hindi nakikilalang guy.

Hinuha ng ilan na ito na ang ipinalit ni Kylie sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica. May mga nagsasabi ring napaka-sweet ng dalawa sa kanilang pagbabakasyon.

Marami rin ang natutuwa para sa aktres at sa pagkakatagpo nito ng isang bagong pag-ibig. 

Subalit, may nagsasabi naman iilan na sadyang tama ang naging pahayag noon ni Aljur Abrenica tungkol sa naunang nagcheat. Tila iniisip ngayon ng ilang mga netizens na si Kylie ang unang nangaliwa.

Kaya pala umano walang pakialam si Kylie sa mga naging isyu nina Aljur Abrenica at itinuturong karelasyon nito na si AJ Raval.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo