Ang Saklap Pala! Mccoy De Leon at Elisse Joson Tunay Na Dahilan Nang Hiwalayan!

Martes, Enero 3, 2023

/ by Lovely


Naging laman ng usapin online ang isang blind item mula sa isang entertainment site patungkol sa isang magkarelasyon sa showbiz na naghiwalay dahil hindi umano tanggap ng pamilya ni Babae si Lalaki. Naramdaman na rin umano ng lalaki na hindi siya kayang ipaglaban ng babae.

Samantala, maraming mga marites online na nagsasabing ang magkarelasyon na ito ay walang iba kundi sina Mccoy De Leon at Elisse Joson na napapabalitang naghiwalay na kamakailan.

Nang ihayag umano ng dalawa ang kanilang relasyon noon, marami sa kanilang mga tagahanga ang nasiyahan at suportado ang kanilang pag-ibig. Bagama't may mga nagdududa sa kanilang pag-iibigan ipinaglaban pa rin ng dalawa ito.

Subalit, makalipas ang ilang taon, mas naramdaman ni Mccoy na tila minamaliit siya ng pamilya ni Elisse at nararamdaman din niya na tila hindi na siya nito ipinaglalaban. Sa tuwing may gatherings ang pamilya ni Elisse ay palaging naiiwan si Mccoy.

May iba namang nagsasabing si Mccoy naman ang mali dahil hindi umano nito napoprovide ng maayos ang kanilang munting pamilya ni Elisse. Palagi umano itong naglalaro ng online games at nakikipag-inuman sa barkada.

Bagama't wala namang opisyal na pahayag tungkol sa kanilang hiwalayan, may ilang netizens na nakikita na umano si Mccoy na may kasamang ibang influencer.

Matatandaang noon pa man ay hindi na boto ang ina ni Elisse kay Mccoy ngunit inakala ng lahat na naging maayos na ang kanilang relasyon sa pagkakaroon na ng anak ng dalawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo