Araneta Coliseum Punum-Puno Dahil sa Concert Ni Toni Gonzaga!

Biyernes, Enero 20, 2023

/ by Lovely

Viral ngayon ang mga larawang kuha sa 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga na kasalukuyang ginaganap sa Araneta Coliseum ngayong January 20.


Kapansin-pansin na tila kunti lamang ang mga taong naghihintay na magsimula ang concert. Subalit, kaagad namang pinagtanggol si Toni Gonzaga ng ilang mga netizens at sinabing maaga pa nang kunan ang nasabing larawan.

May nagkomento pang may posibilidad na mapupuno ni Toni Gonzaga ang Araneta dahil marami ang nag-aabang sa 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga.

"Baka naman ilang hours before the concert yan e talagang wala pa ngang tao."

Samantala, may isang larawan namang ibinahagi kung saan nagsimula na umano ang concert ni Toni. Di katulad sa nauna, makikitang  punum-puno ng mga tao ang Araneta Coliseum.


Matatandaang naging mainit na usapin ang impormasyon isiniwalat ng isang source kung saan sinabi niyang mahina ang bentahan ng ticket para sa concert ni Toni. Sinabi pa nitong bumili ng 500 tickets si Mommy Pinty para sa concert ng anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo