Arnold Clavio, Nagreact Sa Birada Ni Joey De Leon Kontra Bashers ni Alex Gonzaga!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng reaksyon ang Kapuso News Anchor na si Arnold Clavio sa naging banat ng tinaguriang henyo master na si Joey De Leon sa mga taong wala umanong ibang magawa kundi mambash ng kapwa online.

Matatandaang sinabi ni Joey De Leon na matatagpuan sa saling 'giting' kapag pinaghalo-halo ang sagot sa mga taong ito.

“Anong meron ang isang basher bukod sa giting o tapang para manira o mamuna ng ibang tao? Ang sagot, halu-haluin n’yo ang mga letra ng salitang giting at makukuha n’yo ang salitang inggit,” pahayag ni Joey.

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon sa naging pahayag ni Joey. Subalit, marami rin ang nagsabing dapat ay tumingin muna si Joey De Leon sa salamin dahil isa rin naman siyang basher lalo na sa mga host sa katapat ng kanilang show sa kabilang network.

Maging si Igan ay nagbigay ng komento sa naging pahayag  ni Joey De Leon sa pamamagitan ng hashtag.

"#bringbackhumanity," komento ng news anchor.

Subalit, imbes na makatulong, nadamay pa si Igan at siya naman ang pinuntirya ng ilang mga bashers.

“Tsaka ka na kumuda pag may followers ka na at pag may lakas ng loob ka nang magpa-comment sa comment mo.”

“Anong konek, abnoy?! ulol!”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo