Baby Meteor Ni Whamos Cruz at Antonette Gail Pinakilala Na Sa Publiko!

Martes, Enero 24, 2023

/ by Lovely


Muling nagbahagi ng video si Whamos Cruz kung saan makikitang hinihintay na niyang makapanganak ang kanyang partner na si Antonette Gail.

Hindi naman maitago sa mukha ni Whamos ang kanyang kaba habang hinihintay na makita ang kanilang unang baby, na si Baby Meteor.

Samantala, nang dumating na ang oras na pinakahihintay niya labis ang tuwa ni Whamos na ipinahagi ang katangian ng kanilang Baby Meteor.

Ayon kay Whamos matangos ang ilong ni Baby at napakaputi pa nito, manang-mana sa ina na si Antonette.

Labis ang kaligayahan ngayon ni Whamos dahil nakasama na niya ang kanilang anak ni Antonette na ilang buwan din nilang hinihintay.

Matatandaang sa ibinahaging mga video ni Whamos makikita kung gaano niya inalagaan ang kanyang partner. Halos hindi nito iniiwan si Antonette at palaging inaalalayan. Matapos ang panganganak nito makikitang lalo pang inaalagaan at inaalalayan ni Whamos si Antonette.

Agad namang umani ng paghanga mula sa mga netizens ang ipinakitang pag-aaruga ni Whamos kay Antonette. Ayon pa sa kanila napaka-swerte ni Antonette dahil sa ipinakitang ito ng partner.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo