Babae na itinuturong dahilan ng hiwalayan nina Mccoy De Leon at Elisse Joson umamin na.
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tila pag-amin ng babaeng tinuturong third party sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Elisse Joson at Mccoy De Leon.
Ayon sa kumakalat ngayon na screenshot mula sa isang kakilala ng bagong girlfriend umano ni Mccoy, mismong si Mary Joy Santiago ang siyang umamin na may relasyon sila ni Mccoy. Subalit nangyari lamang umano ito matapos ang hiwalayan nila ng partner na si Elisse.
Nauna nang naging usap-usapan ang mga larawan nina Mccoy at Mary Joy na magkasama na ibinahagi mismo ng babae sa kanyang social media account.
Samantala, halos hindi makapaniwala ang ilang mga tagahanga ng McLisse na tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang relasyon. Gayung ito ang second chance nila at may anak na din sila.
Makikita rin naman noon sa mga ibinahaging videos at larawan ng dalawa na talagang mahal nila ang isa't-isa. Hindi tuloy maiwasang mag-isip ng ilan kung ano ang katotohanan sa sinasabing pangangaliwa ni Mccoy.
Samantala, wala pa namang inilabas na official statements sina Mccoy at Elisse hinggil sa paghihiwalay nila.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!