Baron Bawal Nang Maghubad at Makipag-Love Scene Sa Pelikula!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Nagbagong buhay na ang aktor na si Baron Geisler, ipinahayag niya sa isang panayam na hangga't maari ay hindi na siya tumatanggap ng mga pelikulang maraming hubadan at violence.

Sa ngayon, gusto umano ni Baron Geisler na bumidda sa mga palabas na kapupulutan ng maraming aral at nakakainspire ng maraming tao. Kailangan niya na rin umanong magpaka-wholesome kahit paano dahil isa na rin siyang brand ambassador.

Kamakailan lamang ay ipinakilala si Baron bilang celebrity endorser ng Lemonyo, isang brand ng lemon drink, na mula sa kumpanyang pag-aari ni Pastor Roland Garcia Jr..

Ibinahagi pa ni Baron na kasama ito sa kanyang pinirmahang kontrata.

“Nasa kontrata po na bawal na ako maghubad so I will honor my contract. But I have a movie with Cristine Reyes. I might be shooting in February, and then, ang direktor po namin si Marla Ancheta of Doll House.

“Kaming dalawa po ni Miss Cristine ang lead, may love scene… hindi po ito for Vivamax, for Viva Prime po ito. So, may love scene pero medyo may pagka-wholesome pa rin and walang skin exposure,” paglilinaw ng aktor.

Samantala, labis ang pasasalamat ni Baron kay Pastor Roland Garcia Jr. sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya. Sa pagbibigay ng biggest endorsement sa kanya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo