Bea Alonzo, Inaakusahang Nangamkam Ng Lupa Ng Aetas!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Isang netizen ang may mabigat na paratang sa Kapuso star na si Bea Alonzo. Kung saan pinagbibintangan niya ang aktres na kinamkam nito ang lupa ng Aetas na inimbitahan niya sa kaniyang pag-aaring farm sa Zambales.

Mapapanood sa vlog ni Bea ang pag-iimbita niya sa mga kapitbahay na Aetas at binigyan pa niya ito ng pagkain.

Marami naman ang natuwa sa ginawa ni Bea at sa pagpapakita nito ng kabaitan sa mga Aeta, subalit isang netizen ang nagsabing paano naman daw ang lupang “kinamkam” niya mula sa Aetas.

“That’s nice, now how about giving their land back,” tweet ng isang netizen.

Agad naman itong nakarating sa kaalaman ng legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA law firm, at nagbigay ito ng opisyal na pahayag ukol sa gagawing legal actions laban sa paninirang ito sa aktres.

“It is unfortunate that a certain netizen made a very irresponsible & highly outrageous statement on Twitter asserting that Ms. Bea Alonzo should give ‘their –  land back.’”

“For the record, our client vehemently opposes that baseless & very unfair accusation.”

“She & her family are the absolute & registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal & valid means.”

"Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation & to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.

“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”

Gayunpaman, tila hindi pa rin tumigil ang nasabing netizen at dunipensahan pa ang kanyang naunang post.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo