Bea Alonzo, May Tampo kay Boy Abunda Dahil sa EX na si Gerald Anderson!

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Lovely


Inamin ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kanyang guesting sa programa ni Boy Abunda, na sumama ang loob niya rito dahil sa kanyang dating karelasyon na si Gerald Anderson.

Sumama ang loob ng aktres sa King of Talk Show na si Boy Abunda matapos ang panayam ng huli kay Gerald Anderson noong 2021.

Si Bea Alonzo ang ikatlong guest ni Boy Abunda sa kanyang bagong show na umiere sa GMA7.

Samantala, sa guesting na ito ni Bea Alonzo, sa programang Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng aktres ang kanyang pagtatampo sa mismong host na si Boy Abunda. Matapos ang panayam nito kay Gerald Anderson.

Inamin ni Bea Alonzo na iniyakan niya ang panayam nito kay Gerald dahil pakiramdam niya ay hindi man lang isinaalang-alang ni Boy Abunda ang kanyang nararamdaman.

Sa nasabing panayam kay Gerald Anderson, naungkat ni Boy Abunda ang naging hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Isiniwalat naman ni Bea na karamihan sa mga sinabi noon ni Gerald ay wala umanong katotohanan.

Agad naman humingi ng paumanhin si Tito Boy kay Bea, tinanong din nito kung handa ba siyang maging kaibigan man lang si Gerald.

Madiing sinagot naman ito ni Bea Alonzo na hinding-hindi na.

"I can never be friends with somebody I cannot trust," madiing pahayag ni Bea Alonzo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo