Ben&Ben’s Pat Lasaten at Agnes Reoma, Engaged Na!

Linggo, Enero 1, 2023

/ by Lovely


Ang keyboardist ng Ben&Ben na si Pat Lasaten at ang bassist na si Agnes Reoma ay engaged na.

Nitong Linggo, ibinahagi ng couple sa Instagram ang magandang balita na itinatago nila sa publiko sa loob ng anim na buwan.

Naganap ang engagement noong July, at nagbahagi si Agnes ng mga larawan nang magsabi sila ng "oo" sa isa't isa.

Sa isang larawan, may hawak na rainbow flag si Pat na sumisimbolo sa komunidad ng LGBTQIA+, habang si Agnes ay nakakuha ng isang slice ng kanilang "just got engaged" cake.

"Last July! A lot of surprises and blessings happened this 2022 but this is my favorite. Love you forever, Patfly. Patnes nyo engaged na," caption ni Agnes sa kanyang Instagram post.

Kamakailan ay ginanap ng Ben&Ben ang kanilang homecoming concert matapos maglibot sa United States at Canada.

The nine-piece folk-pop band is known for their hits “Paninindigan Kita,” “Kathang Isip,” and “Pagtingin,” among others.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo