Benj Manalo Bumuhos Ang Luha Ng Malamang Buntis Si Lovely Abella!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Jerome


Matapos ang ilang taong pagsasama ng celebrity couple na sina  Benj Manalo at Lovely Abella ay sa wakas magkakaroon na sila ng anak sa unang pagkakataon. 

Ibinahagi  ni Lovely sa kanyang Instagram account, ang video nang pagsurpresa niya kay Benj, masaya niyang sinabi sa asawa na magkaka anak na sila, agad namang bumuhos ang luha ni Benj sa sobrang kaligayahan dahil hindi nila inaasahan na magkaka anak pa sila dahil sa kanyang kondisyon. Mababa ang sperm count ng aktor kaya itinuturing nila itong miracle baby.

Bagamat may isa nang anak na 15 years old na babae si Lovely sa una nitong karelasyon  at si Benj naman ay may anak nang lalaki sa dati nitong karelasyon ay ninanais parin ng mag-asawa na magkaanak ng sakanila.

"In GOD's Perfect TIME! MIRACLE HAPPENS! Grabe para akong himatayin ng oras na to, di ako makapaniwala bago ko ibigay sa Asawa ko @benj Napakagandang Blessing sa unang buwan ng 2023! After 15 years sa unang anak ko, at after 3 years na tintry namin ng Asawa ko tsaka palang binigay ni Lord, Miracle Baby para sa amin knowing na mababa ang Sperm count ng asawa ko, kung kani kanino nadin ako nagtanong para mag paalaga dahil tumatanda na din ako turning 37 this year kaya mas takot na ako sa mga impossibleng mangyari sakin. Pero iba ang FAITH namin kay LORD lalo na ang Asawa ko ang dasal niya palagi na sana mabigyan niya kami ng anak at grabe PRAISE GOD napakaganda ng regalo mo samin.

Lord Praying po na maging healthy siya at di po ako mahirapan and Please Pray for us po ni Baby. waiting na lang po kami sa Heart beat niya today siya po ay 5 weeks and 5 days," caption ni Lovely sa video na ibinahagi.

May mensahe pa siya sa mga taong may ninanais na mangyari sa kanilang buhay.

"Sa lahat po ng nakakabasa nito, kahit anong hihilingin mo kay LORD ibibigay niya di man agad agad pero ibibigay niya sa Perfect time niya kaya wag ka mawalan ng pag asa, lalo mo higpitan ang Faith mo saknya dahil sigurado ako na ang pinagdadasal mo ay parating na," payo niya. 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo