Billy Crawford Naaawa Kay Alex Gonzaga sa Naganap na Birthday Bash!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Literal na birthday bash ang natanggap ng actress, TV host at Vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang ika-35 na kaarawan noong January 16, 2023.

Ito'y matapos kumalat ang video kung saan pinahiran niya ng icing ang mukha ng isang waiter na siyang nagsilbi sa kanila.

Samantala, sa isang panayam sa kasamahan ni Alex sa Tropang LOL na si Billy Crawford sa grand media launch ng bagong streaming application na Viva Prime. Naitanong rito kay Billy kung ano ang kanyang reaksyon sa natanggap na bashing ng kanyang kasamapjan na si Alex dahil sa trending video nito.

Hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ng bashing si Alex Gonzaga kahit pa humingi na ito ng paumanhin sa waiter at maging matapos ipinalabas ang statement ng waiter na nagsasabing okay na sila ni Alex.

“Siya ang kauna-unahang nag-trending ng masama sa birthday,” ang natatawang pahayag ni Billy.

Dagdag pa nito, “Kawawa naman, naaawa na ako sa kanya, sa totoo lang. Pero God works in mysterious ways, sinasabi ko sa ‘yo. We’ll learn our lessons at the end of the day.”

Hiling pa ni Billy na sana'y tumigil na sa pambabash at magmove on na lamang ang lahat dahil nagkaayos naman na sina Alex at ang waiter.

“I think, she knows what she’s done and kung ano naman ‘yung mali sa isang tao, ‘di ba? Pero I think it’s time to move on.

“Mas maraming importanteng mga bagay na nasa paligid natin na kailangan nating pag-usapan, sa totoo lang. I think, we’re really feasting on negativity around us,” pahayag ni Billy.

“Ako, guilty ako before, namamahid ako ng cake sa barkada ko pero kahit paano, you have to know your consequences kahit paano.

“So, alam ni Alex kung anong mali ang ginawa niya and she’s really sorry naman,” pag-amin pa ni Billy.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo