Boy Abunda, Nais Makapanayam si Julie Anne San Jose Matapos ang Trending Pag-amin ni Alden Richards!

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Lovely


 Inihayag ni Alden Richards, sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa “Fast Talk” nitong Miyerkules, ang kanyang paghingi ng tawad kay Julie Anne San Jose sa pang-iiwan umano niya sa ere sa actress singer.

Agad na nagtrending at pinag-uusapan sa iba't-ibang social media platforms ang pagsisiwalat na ito ni Alden.

Samantala sa parehong show na ipinalabas nitong Huwebes, sinabi ni Boy Abunda na ipinaabot nila ang management ng singer-actress na nais niyang hingin ang side nito kasunod ng trending interview kay Alden.

“Ang 'Fast Talk with Boy Abunda' reached out to the management of Julie Anne. At ang sabi nga po ay itong kaganapang ito belong to the past,” pagsisiwalat ni Tito Boy.

“Julie Anne is okay and let's all move on, ika nga,” dagdag pa ng talk show host.

Gayunpaman inihayag din ni Boy Abunda na nakausap na niya noon si Rayver Cruz kung saan ipinakilala nito sa unang pagkakataon si Julie Anne San Jose. Inanyayahan umano niya ang mga ito na maging guest sa kanyang talk show at pumayag naman umano ang mga ito.

“Rayver introduced Julie Anne to me personally noong ako ay nag-guest po sa 'All Out Sundays.' At inimbitahan ko sila, sabi ko, 'Julie Anne, sana maging bisita kita, kayo ni Rayver, sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo