Carla Abellana, Ipinakita Ang Construction ng Kanyang Dream House!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Napahanga ni Carla Abellana ang kanyang fans at followers sa kanyang latest post sa sariling Instagram account. 

Muling ipinasilip ng aktres ang kanyang ipinatayong dream house. Makikita rin sa viral na larawan ang architect na si Gabby na nag-inspeksyon sa construction ng bahay ni Carla.

Sa comments section, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan na ginagawa na ngayon ang dream house ni Carla.

Matatandaang nitong nagdaang taon, nag-viral din si Carla dahil sa larawan na nag-pose siya na may hawak na pala kung saan itatayo ang kanyang bahay sa ground-breaking ceremony. Ipinahayag din ng kanyang kapatid na si Erica, kung gaano nila ipinagmamalaki ang aktres sa tagumpay na natatamo nito.

“Proud of this smart, strong and independent woman. Here’s to your future dream home, sister,” pahaya noon ni Erica.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo