Catriona Gray at Ne-Yo, Ibinahagi Ang Kanilang Reunion Sa R&B Singer’S Manila Concert

Martes, Enero 24, 2023

/ by Lovely


Naging masaya ang reunion ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at Ne-Yo sa concert ng American R&B singer kagabi na ginanap sa Araneta Coliseum.

Sa nasabing concert, umakyat sa stage ang beauty queen bilang miyembro ng audience at muling ipinakita ang kanyang signature Lava Walk. 

 

Nang tanungin ni Ne-Yo ang kanyang pangalan, sumagot si Catriona, “My name is Catriona. I actually walked with you in Thailand.”

Sinagot naman ito ni Neyo na natatandaan din niya ang beauty queen.

“I remember you,” sagot ng singer.

Ibinahagi naman ito nina Catriona at Ne-Yo sa kani-kanilang Instagram Stories. Ipinakita nila ang ilang mga clip mula sa kanilang trending reunion. Ipinahayag din ng Filipina-Australian beauty queen kung gaano siya kasaya dahil sa sandaling iyon. 

"Alam nyoooo. My fan girl heart is sooo happy,” pahayag sa caption ni Catriona.

Si Catriona Gray ay isang beauty queen, singer, performer, host at endorser sa Pilipinas. Sumikat siya matapos manalo bilang Miss Universe 2018 na kumakatawan sa Pilipinas. Karelasyon ni Catriona ang aktor na si Sam Milby.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo