Celeste Cortesi, May Bonggang Trauma Hairstyle!

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Lovely

Ang pagkakaroon ng bagong hairstyle pagkatapos ng breakup o isang malungkot na sandali ay karaniwan sa mga kababaihan, at ito mismo ang ginawa ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa kanyang pagbalik sa bansa matapos ang bigong pagsabak sa 71st Miss Universe.

Matapos itong ibahagi ni Celeste Cortesi sa kanyang mga tagahanga sa kanyang Instagram stories. Muli itong ibinahagi ng Filipino-Italian beauty queen sa kanyang Instagram feed kalakip ang caption, "Hello from me and my trauma bangs."

Kasama rin sa caption ang ghost at laughing emojis, isang paraan na tila pagsasabi sa publiko na hindi seryosohin ang kanyang post.

Marami sa mga tagahanga ni Celeste Cortesi, maging ang ilang mga kilalang personality ang siyang pimuri ang kanyang bagong hairstyle, habang ang iba ay itinuro kung gaano siya kaganda sa kabila ng kanyang "trauma."

"Sana ganito ako kaganda ma-trauma."

"If only all trauma looked this good!"

"I love seeing and hearing your sense of humor, Queen."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo