Chie Felomino, Umaasang Lalaki Ang Boobey sa Paglundag sa Pagsalubong ng Bagong Taon!

Linggo, Enero 1, 2023

/ by Lovely


Nagdala ng good vibes sa mga netizens ang ibinahaging video ng Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa kanyang Instagram acccount, kung saan ipakita niya ang tradisyong pagtalon-talon sa pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, sa pagsalubong sa Bagong Taon nitong Disyembre 31.

Makikitang lumundag-lundag si Chie habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib.

“Yung inantay talaga mag 12mn! May pag-asa pa yang hinaharap mo Chienna!! HAHAHAHAHHA ITALON MO PA! Happy New Year!!!” masayang caption ni Chie sa kanyang Instagram post.

Agad naman itong kinatuwaan ng mga netizens na napareact at napa komento sa post ng aktres.

"HAHHAHAHAA 2023 Ilaban mo naaaa!! Happy New Year Chieeee!!"

"Kaya mo yan ma!!! Hahaha i lundag moooooo! Happy New Year!!!"

"Hahahahahah ilang new year pa ba kelangan."

Isa sa maraming tradisyon ng mga Pilipino ang paglundag o pagtalon sa tuwing sasapit ang bagong taon, lalo na sa mga kabataan, sa paniniwalang makakapagtangkad ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo