Chito Miranda Nanawagan Ng Tulong Pinansyal Para Kay Gab Chee Kee Ng Parokya Ni Edgar!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Isinapubliko na ng singer na si Chito Miranda ang kasalukuyang pinagdaraanan ng kanyang 'best friend' at kabandang si Gabriel Chee Kee sa pamamagitan ng kanyang mga social media post.

Isiniwalat pa ni Chito ang pagkakaroon umano ni Gab ng lymphoma dahilan para dumaan ito sa chemotherapy. Available naman umano sa ganitong uri ng treatment si Gab at kanyang pamilya subalit dala ng komplikasyon ng nasabing karamdaman, nagkaroon naman ito ng pneumonia. Kaya naman mahigit isang linggo na itong nasa ICU.

"Initially, ayaw pa rin sana ni Gab ipaalam sa lahat kasi ayaw niya talaga makaabala sa iba...but because of the situation, his partner, Kha, and his brother, Raoul, convinced Gab to allow us to inform everyone, because it would be easier for everyone to ask for assistance if the people who loved him knew what was really going on," pagsisiwalat ni Chito.

Maging ang dating bokalista ng Sugarfree na si Ebe Dencel ay kinumbinsi rin si Gab na payagan silang gumawa ng paraan upang makatulong rito.

Kaya naman, maasahan ang sunod-sunod na fund raising events mula sa Parokya ni Edgar at sa iba pang local artists na nais tumulong kay Gab.

"Parokya and our friends from music scene will be doing a series of fundraising gigs to help Gab out...most of which won't even be announced as fundraisers. Tahimik lang sila na tutulong. (pasenya na guys kung in-annouce ko na ha? I know that ang initial usapan natin was not to disclose the details...pero paano makakatulong yung mga nagmamahal kay Gab na nais tumulong, kung di nila alam?)" dagdag ni Chito.

Pinasalamatan din ni Chito sina Ebe Dancel, Kamikazee, Gloc9, Shanti Dope, Flow G, Gracenote, December Ave, POT, Moonstar at maging si Moira dela Torre.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo