Cristy Fermin Duda na sa Napapabalitang Bagong Karelasyon ni KC Concepcion!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng saloobin si Manay Cristy Fermin, sa kanyang programang “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, ang mga tsismis na may boyfriend na ang aktres na si KC Concepcion. 

Sa kanyang komentaryo, hiniling ni Cristy na sana ay totoo ang mga bali-balitang ito at saka muling inalala ang panahong na-link ang aktres sa Filipino-American singer na si Apl.de.ap.

“Naku, sana naman totoo na 'to. Kasi 'yung kay Apl.de.ap e diba, hindi naman pala totoo. Sumambulat 'yung kwento tapos hindi naman pala sila magkarelasyon. Nu'ng matagal na, bigla nila dineny na pareho,” pagpapahayag ni Cristy Fermin.

“Pero ngayon meron na daw siyang sinasabing karelasyon... Swiss-Filipino itong sinasabi, si Steve Michael Wuethrich,” dagdag pa ng kolumnista.

Ipinahayag pa ni Manay Cristy na ilang beses na ring namataan ng ilang mga netizens ang dalawa na magkasama. Sa isang party ni Megastar Sharon Cuneta at sa isang plane kung saan hinalikan pa umano ng lalaki si KC Concepcion.

“Sa isang party sa bahay ng Megastar, andun yung lalaki e, diba? Tapos, may isang kababayan naman tayong nakakita sa kanila sa plane. Humalik pa raw sa noo ng lalaki si KC.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo