Cristy Fermin Hindi Naniniwalang Sold Out ang Concert Ni Toni G! 'Ka O.A han nalang Yun'!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Lovely


Naging paksa ng talakayan sa pinakabagong episode ng “Cristy Ferminute” ang naganap na 20th-anniversary concert ni Toni Gonzaga noong byernes January 20, 2023.

Sa kanilang talakayan, nagbigay ng prangkang komento si Manay Cristy Fermin hinggil sa mga naglabasang usap-usapan na umano'y sold out ang nasabing concert.

“May tao po, napakarami pong tao na sumaksi sa birthday concert ni Toni Gonzaga. 'Yun naman pong mga bakanteng silya, hindi po maiiwasan 'yan. Hindi maiiwasan, talagang kahit pa gaanong karami ang tao, may mga silya talaga na hindi malalamnan,” pagpapahayag ni Cristy Fermin.

Ipinahayag din ni Manay Cristy ang kanyang reaksyon sa mga nagsasabing sold out ang concert, na ayon pa sa kanya ay labis na ka o.a han lamang.

“Ang mahalaga ay 'yung maraming tao sa Araneta. 'Wag naman pong i-OA na 'sold out,' 'roar,' ganu'n-ganu'n. Huy, mahiya naman kayo sa mga feslak niyo,” prangkang komento ng kolumnista.

Sinabi pa niyang may ilang nabigyan ng ticket subalit walang oras para manood.

 “'Wag na 'yung sold out. Oh, ipagpalagay na nabili, saan napunta? At saka 'yung mga tao po na hindi nakonsumo 'yung mga upuan na nakita nating bakante, hindi naman po kasi lahat ng binibigyan ng ticket, mayroon pong nakalaan na oras para manood.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo