Cristy Fermin May Maanghang na Banat kay Kris Lawrence Matapos Ipagtanggol si Alex Gonzaga!

Biyernes, Enero 20, 2023

/ by Lovely


Tila hindi nasiyahan ang kolumnistang si Manay Cristy Fermin sa pagtatanggol ng singer na si Kris Lawrence sa actress, TV Host, Vlogger na si Alex Gonzaga.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute, ipinahayag nito ang kanyang prankang mensahe para sa singer na si Kris Lawrence sa pagkukunsinti nito sa maling ginawa ni Alex Gonzaga.

Ipinahayag ni Cristy Fermin ang matinding hindi pagsang-ayon sa sentimyento ni Kris Lawrence. Kung saan sinabi nito na ang waiter ay makakatanggap ng pinakamaraming recognition\ at malamang na makakuha ng "something" pagkatapos ng insidente.

“E gunggong ka palang ikaw na singer ka e. Okay lang 'yung opinyon mo kung gusto mong kampihan ang mali, wala sa amin 'yon, opinyon mo 'yan. Kris Lawrence, ikaw kaya ang talampakan ng cake sa noo mo, anong mararamdaman mo? Anong tama do'n?” pahayag ni Cristy Fermin.

“At sinabi mo pa na dapat daw magpasalamat pa itong si Allan Crisostomo, 'yung waiter na binastos nitong si Alex Gonzaga dahil maaari pang makadagdag para sa kanya ang pangyayaring ito para sumikat. Ano ito, Kris Lawrence, hindi baleng babuyin ka sumikat ka lang? At hindi baleng bastusin ka, mapagusapan ka lang?” dagdag pa ni Cristy Fermin.

Ang beteranong entertainment columnist ay nagpalabas ng mas mainit na mensahe para kay Kris.

“Okay lang na nag-opinyon siya na, 'Ang akala ko, normal ngayon,' okay na 'yon. Pero para sabihin mo na utang na loob pa nu'ng binastos na waiter ang senaryong ito para siya ay mapag-usapan at magkaroon ng bentahe, bumalik ka nga sa pinagmulan mo, Kris Lawrence,” mainit na banat ni Kris Lawrence.

“Kung ganyan ang takbo ng utak mo na 'yung binastos pa ang kailangang magpasalamat na siya'y nabastos, magsama kayo ni Alex Gonzaga,” dagdag pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo