Cristy Fermin, Muling Binalikan ng AlDub Fans, Ipakilala raw Ang Anak!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Muling binalikan ni Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute ang umano'y delusional fans ng AlDub.

Ipinahayag ni Cristy Fermin na nakakatanggap umano ngayon ng pambabash si Alden Richards matapos ang kanyang interview sa programa ni Boy Abunda kung saan inamin niya ang kanyang mga naudlot na relasyon sa ilang mga celebrities.

“Hay Diyos ko, ewan ko po kung kailan matatapos ang ilusyon ng mga nabubuhay pang miyembro ng AlDub. Diyos ko, iba na naman ngayon. Inuupakan na naman si Alden Richards. Bakit daw kung ano-ano ang inaamin? Bakit daw hindi aminin ni Alden na meron na silang tatlong anak ni Maine Mendoza? At may mga pangalan pa 'yung mga bata,” pagpapahayag ni Cristy Fermin.

Hindi rin umano alam ni Romel Chika kung saan hinuhugot ng mga AlDub Fans ang kanilang sinasabing anak nina Alden Richards at Maine Mendoza. Gayung ilang beses nang pinabulaanan nina Alden at Maine ang isyung ito.

May mga nag-text pa umano noon kay Manay Cristy Fermin at inimbitahan siya sa isang isla kung saan naroroon daw ang mga anak ng dalawang celebrities.

“Naalala mo 'yung nag-text sa akin na iniimbita ako sa isang isla, diba?. Merong anim na oras yata 'yung biyahe at doon daw nila ipapakilala sa akin ang panganay na anak ni Alden at saka ni Maine. Ano ako, sira ulo? Bibiyahe ako paroo't parito, 12 oras? Pupunta ako sa isang isla para lang meron akong mapatunayan na alam ko namang hindi posibleng mangyari,” pagbabahagi ni Cristy Fermin.

Ipinunto pa ni Manay Cristy Fermin na kung sakaling totoo na may anak na ang dalawa ay hindi nila ito itatago bagkus ay ipagmamalaki pa sa lahat.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo