Cristy Fermin Pinuna Ang Pang-aagaw ni Vice Ganda sa Moment ni Vhong Navarro!

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang radio program na “Cristy Ferminute,” ang kanyang reaction at saloobin sa trending na “It’s Showtime” comeback ni Vhong Navarro. 

Kung maaalala, nagkaroon ng emosyonal na pagbabalik si Vhong sa noontime show na It's Showtime noong Lunes, matapos ang mahigit isang buwan mula nang pansamantalang makalaya sa detention. Ayon kay Cristy, may mga nagkomento na parang inaagaw ni Vice Ganda ang moment ni Vhong Navarro.

“Ang dami-daming komento, nakikita naman natin sa social media, mga text messages, mga tawag na nagsasabing parang ayaw ibigay ni Vice Ganda ang moment kay Vhong Navarro. Lalo na 'yung sinabihan niya si Ogie Alcasid na, 'Oh, maigsi lang ah yung mga sasabihin.'”

Sinangayunan naman ito ni Cristy Fermin at sinabing, “E bakit siya, tiwa-tiwayway ang sinasabi niya? Halos kanya na nga ang buong-buong programa. 'Yung mga kasama niya natural, tulad niya ay sabik na sabik din sa presensya ni Vhong Navarro sa pagbabalik.”

Higit pa rito, ipinalabas ni Cristy ang ilang prangka na komento tungkol sa Unkabogable Phenomenal Star. 

“Ibinigay na sana kay Vhong Navarro itong napakaespesyal na moment na ito. Alam mo kung minsan kasi kapag hawak na ang mikropono, alam mo naman si Vice, pabida talaga 'to e. Hindi mo maiaalis sa kanyang 'yung pagiging pabibo, pabida, diba? Kasi ang feeling nga niya siya 'yung kung baga ay kapitan ng barko.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo