Cristy Fermin Sinita Si Alex Gonzaga Dahil Sa Pagpapa Make up Ng Nakahiga!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Muli na namang binalikan ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kanyang karanasan noong nagkasama sila ni Alex Gonzaga sa show ng Juicy.

Isa sa mga inireklamo ni Manay Cristy ay ang palagiang pagiging late ni Alex sa set at marami pang iba.

"Ang pinakamatindi po talaga bukod sa pagiging late niya ay yung nakikita ko po siyang late na late nang dumarating hindi kami nakakapag-roll dahil wala nga siya, cause of delay. Ilang beses ko po siyang nakikitang nagpapa-makeup nang nakahiga... Nakaluhod ang kanyang makeup artist na si Noel," pagbabalik-tanaw ni Cristy Fermin.

"Kung minsan naman meron siyang silya e, director's chair. Halos ibuyangyang na niya 'yung kanyang ulo hirap din siyempre ang makeup artist kapag hindi nakaupo ng diretso ang kanyang ginagawa," dagdag pa nito.

Kaya naman humingi na umano siya ng permiso sa kanyang Executive Director upang mapagsabihan si Alex Gonzaga dahil sumusubra na ang ginawa nito sa ibang mga staff para sa kanilang show.

"Humingi ako sa kanya ng permiso na magsalita ako ang sabi ko talaga, andudon si Alex nakahiga, na akala mo bangkay sa mogue na mini-makeup-an ng kanyang makeup artist sabi ko, ano 'to? Morgue ba ito? Nakahiga ka diyan, hindi ka naaaawa sa makeup artist mo na nakaluhod at inaabot ka, bino-blower ka. Hirap na hirap. Hindi na pwede ito," pahayag ni Cristy.

Pinatanggal na rin umano niya ang anumang maaring higaan ni Alex sa set.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo