Cristy Fermin Sinupla si Deniece Cornejo sa Kanyang Cryptic Post Sa Pagbabalik ni Vhong Sa Showtime! "Nanggaya ka Lang."

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Lovely


Tila hindi pa rin natatahimik ang dating modelo na si Deniece Cornejo sa muling pagbabalik ni Vhong Navarro sa noontime show na It's Showtime.

Agad na ibinahagi ni Deniece ang balitang pagbabalik ng host kalakip ang pahashtag niyang "rhymes with wrong".

Sa latest episode ng radio program ni  Cristy Fermin na Cristy Ferminute, ipinahayag niya ang kanyang opinyon hinggil sa cryptic caption ni Deniece Cornejo.

“At noon ngang lumabas sa 'Showtime,' nagbalik-trabaho po si Vhong Navarro ay naglabas nga po ng isang cryptic post itong si Deniece Cornejo na pinagpistahan na naman po ng ating mga kababayan. 'Yung sinasabi niya na 'rhymes with wrong.' 'Yung wrong, inihalintulad ng ating mga kababayan sa pangalang Vhong,” pahayag ng kolumnista.

“Pero alam mo, itong 'rhymes with wrong,' ang talagang nagbibitiw nito si Kat Alano, diba? Doon sa mga post niya dati,” pag-aalala ni Manay sa dating mga banat ni Kat Alano sa lalaking tinawag niya sa ganoong hashtag.

Dahil rito, sinabi ni Manay Cristy Fermin na sadyang nanggaya lamang si Deniece Cornejo dahil hindi naman siya ang unang gumamit ng mga salitang iyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo