Dahilan Kung Bakit Nakipag-Balikan Si Elisse Joson Kay Mccoy De Leon

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Jerome


Marami ang natuwa nang lumabas ang balita sa di umano'y pagkakaayos at pagkakabalikan ng celebrity couple na sina Elisse Joson at Mccoy De Leon.

Bagama't walang malinaw na pahayag kung ano nga ba ang pinagdaanan ng dalawa, hindi na nga daw yun mahalaga sa ngayon. Lalo na at tuluyan na silang nagkaayos base sa mga larawan na kumakalat ngayon sa social media na makikitang magkasama ang dalawa.

Naging biglaan noon ang balitang nagkahiwalay na sila pero tila ba biglaan din ang balitang nagkaayos na sila at ngayon ay nagkabalikan na.

Tanong tuloy ng netizen ano kaya ang dahilan o rason ni Elisse Joson bakit nakipagbalikan pa muli ito kay Mccoy De Leon, sa kabila ng usap-usapan na nambabae di umano  ang aktor.

Ayon sa usap-usapan at paniniwala  ng solid na mga tagahanga ng dalawa ay marahil mahal parin talaga ni Elisse itong si Mccoy kung noon nga daw ay tinanggap niya itong muli habang wala pa silang anak lalo na ngayong may anak na sila ay hindi talaga malabo na tanggapin nya itong muli.

Isa naring ina ngayon si Elisse kaya mas gugustuhin nitong lumaki ang anak niya na kasama ang kanyang ama at hindi naman din malinaw kung nagkaroon naman ng babae si Mccoy kaya ito marahil  ang dahilan kung bakit madali niya itong natanggap.

Bilang isang asawa at isang ina, naisip marahil ni Elisse na samahan ang kanyang pamilya anuman ang pagsubok ang dumating. Hiling lang ng lahat na sana ay wag nang sayangin pa ni Mccoy ang pagkakataong ito na muli ay tinanggap siya ni Elisse sa buhay nila nang kanyang anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo