Arestado ang dalawang vlogger matapos gumawa ng fake emergency prank sa isang gasoline station niton myerkules.
Bumili ng gasolina, worth 10 pesos ang mga vlogger sa isang gasolinahan habang nagvi-video upang gawing content. Nilagay nila ito sa isang empty plastic bottle ng energy drink.
Ang isa sa kanila ay nagpanggap na ininom ang biniling "gasolina", subalit pinalitan na pala nila ito ng isang energy drink. Naalarma naman ang staff at tumawag ng emergency assistance nang magsimulang umarte ang vlogger na nahihirapan nang huminga.
Nang magsagawa na ang emergency response team ng medical assessment at first aid, ibinunyag ng mga vlogger na isa lamang itong prank.
Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong Alarm and Scandal sa ilalim ng Article 155 ng Revised Penal Code.
“The prank pulled by the vloggers which was responded by the MDRRMO for instance could have caused unnecessary disruption should another incident had taken place that need to be responded,” pahayag ng Police Regional Office XI.
Kasalukuyang nasa kustudiya ng mga Pulis ang dalawang vlogger.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!