Dani Barretto Binasag Na Ang Kanyang Pananahimik Sa 35th Birthday Celebration Cake

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Jerome

 

Dani Barretto nagpaliwanag sa cake issue ni Alex Gonzaga na kinasasangkutan ng kanyang pangalan.

Binasag na ni Dani ang kanyang pananahimik sa issue at sa wakas ay naglabas na si Dani Barretto ng kanyang saloobin sa viral cake issue ni Alex Gonzaga.

Matatandaang si Dani Barretto ang nag-upload ng nagviral na cake issue ng 35th Birthday Celebration ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram.

Sa panayam ng ABS-CBN, sa wakas ay natugunan na ni Dani Barretto ang issue, "Regrets of course I do have regrets kasi nakasakit po ako ng tao siyempre wala po sa intention kong makasakit, lalo na po on her birthday siguro yun yung pina ka mabigat sa akin na nakasimula ako ng isang bagay na hindi ko naman ginusto."

Binigyan diin ni Dani kung gaano kahalaga sa kanila ang pamilya Gonzaga. 

"Kasi napaka importante sa amin ng pamilya Gonzaga. Kasi their very loving to our family. Alex is a very good friend of my sister, so talagang  mahal na mahal namin ang pamilyang Gonzaga so masakit sakin na nakasakit ako ng tao dun sa video na yun," pahayag ni Dani Barretto.

"That love will over shadow the pain?" ang tanong ng ABS-CBN reporter na si Mario Dumawal.

"Alam naman po  iyun ni Alex kasi sa kanya po ako unang nag reach out wala pong ibang kinausap wala pong ibang ginawa but I reach out to her first and apologize to her first kaya alam din pong hindi na ako nagsasalita dahil ayaw ko na po talaga siyang palakihin ayaw ko narin pong pag usapan yun parang move on narin po tayo sa issue na to."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo