Darna Hanggang 2 Weeks Lang Sa Indonesia, Pinatigil na!

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang dalawang linggo ng pagpapalabas, pinatigil na raw sa pag-ere ang Kapamilya serye na “Mars Ravelo’s Darna The TV Series” sa bansang Indonesia.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, pinatigil na sa pag-ere ang nasabing palabas sa ANTV, isang free TV sa Muslim country na Indonesia, dahil hindi angkop ang ilang mga eksena nito sa kanilang kultura at batas.

Usap-usapan pa na hindi na naaninag si Jane De Leon dahil binlured ang costume nito. Nagmumukhang ulo at paa na lamang ang lumilipad na Darna.

Sa ngayon ay isang re-run umanong palabas sa Indonesia ang pumalit sa timeslot ng Kapamilya serye na Darna.

Matatandaang, nauna nang ibinahagi noon na sa ilang mga poster ay tinakpan ang dibdib ni Jane De Leon na umani pa ng samu't-saring reaksyon mula sa mga Filipino fans.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo