Dating Kasamahan Sa Trabaho Ni Alex Gonzaga, Ibinunyag ang Masamang Ugali Nito!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang masamang pag-uugali ni Alex Gonzaga matapos ang paghahampas umano niya ng cake sa isang waiter.

May lumutang na dalawang dating kasamahan sa trabaho ni Alex Gonzaga na siya umanong magpapatunay sa totoong ugali ng actress-host.

Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagmamahiya umano ni Alex sa isang waiter. Sa video, makikita ang kasiyahan nila sa birthday party ni Alex ngunit kalaunan ay bigla na lamang niyang pinahiran ng cake ang mukha ng waiter.

Samantala, sa isang tweet ng nagngangalang John Mark Yap, ibinunyag niya ang totoong ugali ni Alex Gonzaga ng makasama niya ito sa isang pelikula kung saan ito ang lead actress.

"As someone who has worked directly with this woman for her first film as a lead, I can personally say na masama talaga ugali ng babaeng ito!

Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her.

She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula."

Isiniwalat pa niya na halos lahat ng nasa set at kasamahan nila ay naiinis at galit rito dahil sa pagkakadelay ng mga shoot sa pagiging late comer nito.

May isa pa umanong kasamahan nilang pinakitaan ni Alex ng masamang ugali. Ito ay walang iba kundi si Reb Atadero na may minor role sa kanilang pelikula.

Samantala, sa tweet ni Reb, sinabi niyang kapag hindi ka famous at walang mataas na katungkulan ay hindi ka talaga papansinin ng isang Alex Gonzaga.

Short version: Kung wala kang pangalan, hindi ka niya para bigyan ng basic respect. Kahit na may eksena kayo, basta’t wala sa kanya ang camera, pag tapos na ang mga linya niya, bibitaw at iiwan ka sa ere kahit wala pang sumisigaw ng “CUT.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo