Dawn Zulueta Binatikos Dahil Na Naman Kay PBBM!

Biyernes, Enero 20, 2023

/ by Lovely


Nakakatanggap ng pambabatikos ngayon ang aktres na si Dawn Zulueta matapos siyang makitang kasama sa mga delegates ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Switzerland.

Marami ang nagtatanong kung ano nga bang ganap nito sa Davos, Switzerland.

Si Dawn ay asawa ni Antonio Lagdameo Jr., ang Special Assistant ni Pangulong Bongbong Marcos na kasama rin sa event.

Kumakalat ngayon sa Twitter ang video clip na ibinahagi ng People’s Television Network noong Martes, January 17 kung saan makikitang kasama sa “welcome lunch” ang aktres.

Samantala, umaani naman ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pagdalo ni Dawn sa nasabing forum dahil hindi naman siya politiko.

“Political color aside, the question is really begging to be asked: What was the official role of Dawn Zulueta in Davos? Assuming the invitation is a ‘plus one,’ have the decency and wisdom to do what is good for the country.”

Dagdag pa ng isa, “If Dawn Zulueta is part of the onboard entourage of the BBM then someone should explain her role in Davos. Kung personal na pera naman gamit niya kasama asawa niya, then resibo na lang. Sa hirap ba naman ng bansa natin ngayon at nagbabayad tayo [ng buwis] eh kailangan resibo.”

Hindi pa naman nagbigay ng anumang pahayag ang aktres hinggil rito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo