Ayon sa aming nakalap na impormasyon, naghain ng motion for reconsideration si Deniece Cornejo, sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Howard Calleja, ay naghain ng motion for reconsideration na may motion to inhibit hearing sa kasong panggagahasa noong Disyembre 19 sa Taguig RTC Branch 69 sa ilalim ni Judge Loralie Datahan.
Matatandaang sa order na inilabas ng RTC noong December 5, 2022, pinayagan ng korte ang aktor at TV host na makapagpiyansa ng P1 milyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ng korte ang kaso.
Ipinahayag din sa mga inilabas na ulat, na hindi na kumbinsi ni Deniece Cornejo ang korte dahil sa paiba-ibang salaysay nito.
"Not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused's guilt."
Pansamantalang nakalaya si Vhong Navarro noong December 6, 2022 matapos makapag pyansa sa halagang 1 million pesos.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!