Dennis Padilla Muling Nagpahayag ng Mensahe Para kay Leon Barretto!

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Lovely


Tila hindi pa rin sumusuko ang aktor na si Dennis Padilla sa panunuyo sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Muli na namang nagbigay ng mensahe si Dennis Padilla  para sa kanyang anak na si Leon Barretto. Mababasa sa Instagram post ng aktor na nais niyang muling makita ang anak. Ipinahayag pa niya ang pagmamahal rito.

“Dear Leon... Hope to see you soon... Love you n God bless you more anak,” caption ni Dennis sa kanyang post kalakip ang isang throwback picture ni Leon.

Samantala, agad namang napansin ng ilang mga netizens ang pagkakahawig nilang dalawa.

"akala ko baby picture mo before reading your caption"

"Kamukha nio po sa sir."

"Xerox copy pala niyo po sir si keon, kakatuwa naman"

Matatandaang, hindi ito ang unang pagkakataon na tila nagpapansin si Dennis Padilla sa kanyang mga anak. Subalit ni ha ni ho ay hindi nakatanggap ang ama mula sa mga ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo