Marami sa Kapamilya fans ang natuwa sa balitang kahit magtatapos na sa Pilipinas ang Mars Ravelo's Darna na pinagbibidahan ni Jane De Leon ay mapapanood naman ito sa bansang Indonesia, sa free TV channel na “ANTV”.
Makikita na rin sa official Instagram page ng ANTV ang anunsyo ng paglipad ni Darna sa naturang bansa.Subalit kapansin-pansing nakatakip ang simbolo ni Darna sa bandang dibdib ni Jane De Leon.
Samantala, ayon sa Facebook page na “Philippine Entertainment”, isiniwalat nila ang pag-aalala ng maraming Indonesian viewers na nag-aabang sa Darna ni Jane de Leon dahil baka i-blur daw ang costume nito kapag ipinalabas na sa Indonesian TV.
May mga nagsasabing dahil sa beliefs ng mga Muslim kaya naka blur ang costume ni Darna sa pagpapalabas. Karamihan kasi sa mga taga-Indonesia ay mga Muslim.
Inalmahan ito ng iba dahil napaka pangit naman umano kung i-blur ito at sana ay hindi na lamang ito ipalabas roon kung ibu-blur rin lang naman.
“Better not to air it , kung nagkataon si Jane ay mapupuno ng bash sa ibang bansa.”
“Respect their beliefs. Muslim country po ang Indonesia kaya bawal balot na balot ang kasuotan nila at bawal ang ganiyan ni Darna according to their beliefs.”
Samantala, wala pa namang tugon mula sa ABS-CBN o sa ANTV hinggil sa isyung ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!