Hindi nakasama ang Pilipino aktres na si Dolly De Leon sa mga nominee sa pagka-Best Supporting Actress para sa Academy Awards o Oscars, sa kanyang pelikulang 'Triangle of Sadness'.
Ang mga nominee sa nasabing category ay sina Angela Bassett ng 'Black Panther: Wakanda Forever', Hong Chau ng 'The Whale', Kerry Condon ng 'The Banshees of Inisherin', Jamie Lee Curtis ng 'Everything Everywhere All at Once', at Stephanie Hsu ng 'Everything Everywhere All at Once'.
Samantala, ang direktor ng Triangle of Sadness na si Ruben Östlund ay nominado naman sa pagka-Best Director. Maging ang mismong pelikula ay nominado sa pagka-Best Picture at Best Original Screenplay.
Nagtataka naman ang ilang mga netizens kung bakit hindi napabilang si Dolly sa mga naging nominees, gayung kasama naman siya sa iba pang award giving bodies.
Matatandaang nitong lunes ay tinanggap ni Dolly ang “Best Actress In A Supporting Role” sa 58th Guldbagge Awards sa Sweden na masasabing katumbas ng Oscars sa nasabing bansa. Nagwagi rin siya sa LA Film Critics Association Awards noong January 14.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!