Dolly De Leon, Wagi Bilang ‘Best Supporting Actress’ Sa Sweden!

Martes, Enero 24, 2023

/ by Lovely


Muling nakatanggap ng isa na namang parangal ang Filipina actress na si Dolly De Leon matapos maiuwi nito ang 'Best Actress in a Supporting Role' award sa Guldbagge Awards na ginanap sa Cirkus sa Stockholm, Sweden nitong Martes Philippine time. 

Ito ay sa kanyang pagganap bilang Abigail sa pelikulang “Triangle of Sadness”.

Kinabog ni Dolly De Leon sina Carla Seh ng “Stammisar”, Liv Mjönes ng“Tack for the Last Time”, at Marika Lindström ng “Burn All my Letters”.

Samantala, ang casting director na si Pauline Hansson ang tumanggap ng award para kay Dolly. Maging ang kanilang pelikulang "Triangle of Sadness" ay nanalo din bilang ng best movie, best direction, best actor in a supporting role, best costume design, at best mask design awards na siyang sinasabing kapantay lamang ng prestihiyosong “Academy Awards”.

Matatandaang kamakailan lamang, ay personal na tinanggap ni Dolly De Leon ang Best Supporting performer award sa Los Angeles Film Critics Association sa Amerika kung saan siya ang unang Pilipino na nakatanggap nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo