Umaani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at ilan pang social media influencers ang naging pahayag ni Donnalyn Bartolome sa mga taong nalulungkot dahil bact to work na.
"Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!" pahayag ni Donnalyn sa kanyang Facebook page.
Marami naman ang sumang-ayon sa pahayag na ito ni Donnalyn, subalit marami rin ang hindi sumang-ayon rito na para sa kanila ay napaka-insensitive ni Donnalyn sa ibang mga nagtatrabaho lalo na ang mga OFW.
Maging ang ilang sikat na influencer kagaya na lamang nina Xian Gaza at Rendon Labador ay nagbigay ng kani-kanilang saloobin hinggil sa naging post ni Donnalyn.
“Hindi ko to kilala pero paano umabot ng 16M followers yung ganito kat*nga? “Hindi naman porket nalungkot ka ay hindi ka na grateful. Hindi ka kasi makakaramdam ng ‘saya’ kapag ang kinikita mo ay pang ‘survive’ lang sa pang araw araw. Basahin mo ulit para ma gets mo,” komento ni Rendon.
May idinagdag pang payo si Rendon kay Donnalyn na baguhin ang minset nito upang maging mas matalino.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!