Ellen Adarna Nagbigay Ng Reaksyon sa Mga Taong Nambash kay Alex Gonzaga Dahil Sa Cake!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Lovely

Muli na namang sinagot ng aktress na si Ellen Adarna ang katanungan ng ilang mga followers niya sa Q and A na isinagawa niya sa kanyang Instagram stories.

Isa sa mga naitanong rito ay kung ano ang kanyang komento hinggil sa cake issue ni Alex Gonzaga na ilang araw ding pinag-uusapan online.

"Ano comment mo sa cake issue ni Alex Gonzaga?" tanong ng isang marites.

Agad naman itong sinagot ni Ellen at sinabing hindi niya kailangan pang mag-salita o magbigay ng anumang komento sa nangyaring issue ng pamamahiya ni Alex sa isang waiter dahil wala naman siyang kinalaman roon.

Tila pinagsabihan pa niya ang netizens at sinabihang hindi nila business ang pinaggagawa ni Alex Gonzaga o ng iba pang mga artista.

"It's not my business to talk about. And it's probably not yours too," prangkang sagot ni Ellen Adarna.

Buo ang paniniwala ni Ellen na hindi na dapat pang pag-usapan ang isyu ni Alex Gonzaga dahil wala naman siyang karapatang magsalita para rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo