Erik Santos May Malungkot na Mensahe Para Sa Sarili Ngayong Taon!

Linggo, Enero 1, 2023

/ by Lovely


Marami ang naantig ang damdamin na mga netizen sa New Year message ng Kapamilya singer na si Erik Santos para sa kaniyang sarili, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post ngayong Enero 1, 2023.

Matatandaang bago matapos ang 2022 ay pumanay ang kanyang ina na si Angelita Ramos-Santos dahil sa isang karamdaman.

Bagama't naging malungkot ang pagdiriwang ng Pasko para sa pamilya ni Erik, dahil sa pagkawala ng isang mahal sa buhay, grateful pa rin siya sa taong 2022.

“Dear Ten Ten,

“2022 was really a hard year for you. You have faced so many challenges. Breakdowns after breakdowns. Dealt with lots of frustrations, disappointments, anguish and deep sadness. Cried the most painful tears and fought so many silent battles. After everything, you are still standing strong, surviving… fighting.

“Most of all, you always choose to remain gratefuI.”

“I pray 2023 will be easier for you.”

“Love, Ten Ten.”

Bumuhos naman ang encouraging words para sa singer mula sa kaniyang mga kasamahan sa industriya, gaya nina Jolina Magdangal, singer Rachelle Ann Go, Jed Madela, KC Concepcion, at talent manager na si Noel Ferrer.

Sa isa pang Instagram post ay makikita ang family picture nina Erik sa pagsalubong ng Bagong Taon. Mapapansin ding yakap-yakap ng ama ni Erik ang urn kung saan nakalagak ang abo ng nacremate na labi ng asawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo