Mainit ngayon na pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms ang presyo ng ticket sa upcoming comeback concert ng K-pop group na SEVENTEEN sa bansa.
Umalma ang ilang mga fans dahil sa umano'y di makatarungang presyo ng ticket para sa concert. Ayon pa sa ibang fans na mas mahal pa ang ticket na ito kaysa sa mga nagdaang concerts ng K-pop group na Blackpink.
Sa ibinahaging post ng Live Nation Philippines nitong Martes, ang opisyal na event promoter ng inaabangang “Hello” Tour ng K-pop group sa Pilipinas, isiniwalat na nito ang kabuuang ticket prices at perks packages na maaaring pagpipilian ng fans na nais makapunta sa concert.
Mula sa general admission na P3,500, aabot hanggang P19,500 ang pinakamahal na ticket prices kalakip na ang soundcheck at send-off perks ng mga fans.
Nagbukas na rin ngayong araw ang registration para sa online membership ng fans na maaaring mauna sa tinatawag na “Fanclub Presales” sa darating na January 19, 2023.
Hindi naman napigil ng ilang mga fans ang pagkadismaya sa may kamahalang ticket ng concert. Nanawagan pa ang ilan na sana ay babaan naman nila ang presyo lalo na't karamihan sa mga fans ay mga nag-aaral pa.
Samantala, wala pang tugon ang event promoter sa mga hinaing na ito ng ilang mga fans.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!