Supportive girlfriend ang ganap ng aktres na si Julia Barretto sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.
Kamakailan lamang ay nanalo ang team ng aktor sa isang basketball game, kung saan itinanghal pa si Gerald bilang Player of the Game.
Samantala, makikita naman sa mga kumakalat na video kung gaano kasaya ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa achievement ng kanyang nobyo. Maririnig pang napasigaw ito habang hinihintay si Gerald.
Agad na sinalubong ni Julia ng isang mahigpit na yakap at halik si Gerald at makikita pang naglambitin ito sa aktor.
Samantala, sa social media post ng aktres ipinahayag niya kung gaano siya ka-proud sa kanyang nobyo.
Matatandaan na noon pa man ay palaging sinusuportahan na ni Julia ang kanyang nobyo sa bawat basketball game nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!