Glydel Mercado Ipinakulam Ng Kapamilya, Kaya Bigla Na Lang Nangayayat!

Lunes, Enero 2, 2023

/ by Lovely


Kinulam umano ang award-winning actress na si Glydel Mercado kaya bigla itong nangayayat hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang katawan.

Ito ang naikwento ng misis ni Tonton Gutierrez sa ilang miyembro ng entertainment press nang makapanayam siya sa presscon ng pelikulang “That Boy In The Dark” bago mag-Bagong Taon.

Ayon kay Glydel, namayat siya nang bonggang-bongga dahil hindi siya nakakakain nang maayos mula nang mawalan siya nang gana nitong mga nakaraang buwan.

Agad naman daw siyang nagpa-check up sa mga espeyalista para malaman kung ano ang problema sa kanyang kalusugan pero ang sabi ng mga doktor base sa mga resulta ng kanyang medical test ay normal naman ang lahat sa kanya.

Nagtuluy-tuloy daw ang hindi maipaliwanag niyang kundisyon at patuloy na bumabagsak ang kanyang katawan hanggang sa magkaroon na siya ng palpitation, anxiety attacks at fear of food.

Naging 90 pounds na lamang ang timbang niya at wala pa rin siyang ganang kumain kaya nagdesisyon na raw siyang magpatingin sa albularyo o faith healer kasama ang asawang si Tonton.

Ayon sa albularyo, na tumingin sa kanya may dalawang tao na nasa likod ng pagpapahirap sa kanya at isa sa mga ito ay kanyang kamag-anak. Ang naiisip ni Glydel ay ang isang kaanak niyang hindi natulungan.

Sa ngayon ay maayos na umano ang kanyang pakiramdam at bumalik na rin ang gana niya sa pagkain, matapos ang isinagawang ritual sa kanya ng albularyo na tumagal ng pitong martes at byernes. Namatay na rin ang pinaghihinalaan niyang nagpakulam sa kanya dahil ibinalik ng albularyo ang ginawang pangkukulam nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo