Magandang balita para sa Pinoy fans ng Miss Universe 2022 dahil papasok ang kinatawan ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa Top 16 ng finale ng Miss Universe competition bukas, January 15.
Sa isang leaked na dokumento ng Miss Universe 2022 na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang mga bansang nasa Top 16 at kabilang dito si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi.
Ayon sa nasabing dokumento, kabilang dito ang mga bansang Angola, Bahrain, Brazil, Colombia, Curacao, Dominican Republic, Germany, Mexico, Panama, Philippines, Portugal, Puerto Rico, South Africa, Thailand, USA at Venezuela.
Natagpuan sa ibaba ng dokumentong nakasaad na, "the information contained in this document is highly confidential, any public disclosure before January 14, 2023, will lead to legal action".
Bagama't nagdiriwang ang Pinoy fans, hindi alam kung orihinal ang leaked na dokumentong ito.
Ayon sa ilan, maaaring ito ay isang panloloko o gawa-gawa lamang. Pero kahit ganoon, kampante ang Pinoy fans dahil ayon sa analytics ng mga kilalang Pageant outlet at personalidad, tuloy-tuloy na pasok si Miss Philippines Celeste Cortesi sa top 16.
Confident si Celeste Cortesi sa kanyang sarili na makakamit niya ang korona ngayong taon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!