Handa Na ang Pasabuy na Danggit Kay Moira Dela Torre!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Muling sinagot ng singer na Moira Dela Torre ang kuwelang hirit ng isang fan sa Middle East na nagpapasabuy ng Danggit kay Moira sa pagpunta nito sa Qatar.

Matatandaang muling naimbitahan ang hugot queen na magperform sa Midde East. Kasunod ng pagkalat ng balitang ito ay ang kwelang request ng isang fan na nagpapadala ng danggit sa singer.

“Kita-kita po tayo jan sa Qatar, dala ko na po ‘yung danggit ni kuya.” sagot ng singer.

Nauna nang napa'hanep' si Moira sa request ng nasabing fan na kaagad namang nag trending sa social media. Maging ang official fan base ng singer ay ibinahaging papunta na sa Qatar ang Danggit.

May ilan pang nagsasabing ipagpalit na lamang ang danggit sa sibuyas roon. Kasunod ng labis na pagtaas ng presyo ng huli sa bansa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo