Heart Evangelista Kinundena Ang Ginawa Ni Alex Gonzaga Sa Waiter Birthday Cake Issue

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Sparkle

 


Trending at pinag-uusapan pa rin sa social media ang pangalan ni Alex Gonzaga.

Kaugnay pa rin ito ng nangyari sa kanyang 35th birthday celebration noong January 16, 2023.

Kaliwa’t-kanang pambabatikos ang inaabot ngayon ng aktres-vlogger mula sa mga netizens kaugnay ng pagpahid niya ng icing sa mukha ng waiter noong kaarawan niya.

Naglabas na ng pahayag ang pamilya sa pamamagitan ng publicist ng pamilya Gonzaga na si Peter Ledesma.


Samantala, kumakalat ngayon sa social media ang pahayag ng aktres at socialite na si Heart Evangelista.

Sabi ni Heart, hindi niya naaappreciate ang mga taong walang respeto sa mga waiter, security guard o mga taong mababa ang katayuan sa buhay. Dahil para kay Heart, ang paggalang ay isang sukatan kung ikaw ay isang mabuti o mabait na tao.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo