Heart Evangelista, Mukhang Hindi Masaya sa Pagkakasama nila ni Chiz Escudero?

Linggo, Enero 1, 2023

/ by Lovely


Marami ang natutuwa sa ibinahaging upadate  ni Heart Evangelista, kung saan makikitang magkasama sila ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero at mga anak nito na sina Chesi at Quino.

May kuha silang larawan katabi ang christmas tree. Meron ding larawan kung saan nakaupo si Sen. Chiz habang nakatayo naman si Mrs. Escudero nakahawak pa sila ng kamay.

Marami naman ang natutuwa sa pagsasamang muli ng dalawa. Marami rin ang tila nabunutan ng tinik at sinabing talagang hindi totoo ang chismis na naghiwalay na ang dalawa.

Subalit, tila may napansing kakaiba ang ilang mga marites sa larawan nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Ayon sa kanila, tila pilit ang ngiti ni Heart Evangelista at tila hindi umano ito masaya.

Agad naman itong ipinagtanggol ng ilan sa mga tagahanga ng fashion icon. Ayon sa kanila baka pagod at puyat lamang si Heart Evangelista kaya ganoon ang mukha nito.

Marami rin mga kaibigan sa showbiz ng mag-asawa na nagsasabing maayos naman ang relasyon nilang dalawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo