Herlene Budol May Sweet Birthday Message Kay Kuya Wil!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely

Nagbigay ng matamis na mensahe ang Bb. Pilipinas 2022 First runner up na si Herlene Nicole Budol sa Wowowin host na si Willie Revillame para sa kaarawan nito nitong byernes January 27, 2023.

“Your always be my papa wil. Happy birthday sana palagi po kayong okay good health po sainyo,” pagbati ni Herlene Budol.

Kaagad naman iwinasto ng ilang mga netizens ang maling grammar ng beauty queen.

Agad namang pinasalamatan ni Herlene ang nasabing netizen sa comment section ng kanyang post.

“You’ll always be my papa will. Salamat Sa nag correct Sabi Ko naman sainyo e my brain is limited only haha.” saad ni Herlene Budol.

Tila hindi naman na-offend si Herlene Budol dahil hindi na rin bago sa kanya na ma-correct ng mga netizens sa maling paggamit ng grammar. Katunayan, kamakailan lamang ay sinagot niya ang komento ng netizen na nag-suggest na sumali siya sa Miss Universe 2022 at baka makapasok pa siya sa Top 5.

"Malabo bobo po ako haha," matatandaang sagot ni Herlene.

“Wag nating ipilit di tayo pang-MU pang-bardagulan lang tayo doon tayo sa kung saan lang tayo bagay. Ano sa tingin n’yo?” dagdag pang sagot nito.

Bago pa man naging kandidata sa Bb. Pilipinas, sumali si Herlene sa pa-contest sa Wowowin kung saan kinuha siya ni Willie Revillame bilang isang co-host.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo