Herlene Budol Proud na Ibinahagi Na Pareho Ang Nagdesign ng Gown at NatCos Nila ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel!

Lunes, Enero 16, 2023

/ by Lovely


Matapos koronahang ika-71st Miss Universe ang pambato ng USA na si R'Bonney Gabriel. Ibinahagi naman ni Bb. Pilipinas 2022 first runner up na si Herlene Nicole Budol na iisang designer lamang ang nagdesign sa kanilang National Costume at Evening gown.

Proud ding ibinahagi ni Herlene ang collage ng kanilang gowns at National Costumes. Proud pang binanggit ni Herlene ang designer ng kanilang evening gown na si Rian Fernandez at designer ng kanilang National Costume na si Patrick Isorena.

Sa huli, ipinahayag pa ni Herlene Budol ang kanyang pasasalamat sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino at handler na si Rodin Flores.

"Ang galing ni Lord. imagine mo yung nanalo ng @missuniverse 2023 @rbonneynola at nung nanalo ako ng @bbpilipinasofficial 1st runner up ay iisa lang ang National Costume Designer namin ay si @patrick_isorena at parehas din kami sa Long Gown Designer @rianfernandez888! Kaya thankful ako dahil asa tamang Manager at handler napuntahan ko @sirwil75 & @rodinb.flores," caption ni Herlene sa kanyang Instagram post.

Agad naman itong, umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. May mga hindi natuwa sa tila pagpapansin umani ni Herlene sa moment ni R'Bonney.

Gayunpaman, kaagad naman siyang ipinagtanggol ng kanyang mga tagasuporta at ipinuntong wala namang mali sa post ni Herlene. Isa pa, nagbibigay lamang siya ng pasasalamat at ipinahayag kung gaano siya ka proud.

"Akalain mo yun, ikocongratulate mo lang si Miss USA, nakahanap ka pa ng ways para iconnect sa sarili mo..oks lang atleast nagpasalamat ka rin sa designer at handle mo..goods yan lods," komento ng isang netizen.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo